PRRD, muling nag-motor kasama si Sen. Go sa PSG Compound

288

Muling nagmaneho si Pangulong Rodrigo Duterte ng three-wheeled motorcycle sa loob ng Presidential Security Compound (PSG).

Base sa Facebook post ni Senador Bong Go, makikitang minamaneho ng Pangulo ang isang itim na motorsiklo, habang pinapaandar naman ng senador ang isang puting motorsiklo.


Matatandaang nitong Oktubre 2019, nagtamo ng mga galos sa kanyang siko at tuhod ang Pangulo nang maaksidente sa motorsiklo.

Inamin din ng Pangulo na nagkaroon siya ng misalignment sa spine dahil din sa motorcycle accident.

Facebook Comments