PRRD, muling nagbabala sa paggamit ng vaping

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko sa panganib ng paggamit ng Vaping.

Ito ay kahit lumalabas sa mga pag-aaralal na mas mababa ang lebel ng toxins nito kumpara sa Sigarilyo.

Sa kanyang talumpati sa Taguig City kagabi, nagbiro pa ang Pangulo na papatayin ang nag-imbento ng Vaping.


Una nang ipinag-utos ng Pangulo ang pagbabawal sa paggamit at pag-aangkat ng Vaping Devices.

Inatasan din nito ang mga awtoridad na arestuhin ang mga mahuhuling gumagamit nito sa Publiko.

Pero nilinaw ng PNP na ilalagay muna sa blotter ang mga mahuhuling indibidwal at palalayain.

Facebook Comments