PRRD, nag-alok ng P1.3-M para sa pagkakahuli ng mga pumatay sa 4 na pulis sa Negros Oriental

Nag-alok si Pangulong Rodrigo Duterte ng hanggang 1.3 million pesos para sa ikadarakip ng mga pumatay sa apat na pulis sa Negros Oriental noong nakaraang linggo.

Matatandaang ang apat na pulis ay inambush at tinorture pa ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Yamot, Barangay Mabato sa bayan ng Ayungon.

Unang sinabi ng Malacañan na isang milyong piso ang ibibigay na pabuya para sa pagkakahuli ng mga sangkot sa krimen, patay man o buhay.


Ayon sa Pangulo – dadagdagan niya ng 300,000 pesos kung mapapatay ang utak sa krimen.

Bago ito, binisita ng Pangulo ang burol ng mga nasawing pulis at ginawaran ng Order of Lapu-Lapu, Rank of Kalasag.

Facebook Comments