PRRD, nagbabala sa mga pulis na madadawit sa illegal drugs

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na huwag pumasok sa kalakalan ng ilegal na droga.

Ayon sa Pangulo, mas gugustuhin niyang tumanggap na lamang ng regalo ang mga pulis kaysa masangkot sa illegal drug trade.

Umapela rin ang Pangulo sa publiko na ihinto ang mga ilegal na gawain habang siya pa ang Pangulo, kabilang na ang korapsyon, droga, at kriminalidad.


Facebook Comments