PRRD, nagbirong nanalo sa 2016 elections dahil sa pagbanat sa mga obispo

276

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaking tulong sa kanyang kandidatura sa pagkapangulo noong 2016 elections ang pagbanat niya sa ilang mga obispo.


Sa kanyang talumpati sa 120th Anniversary ng Baptist Churches, sinabi ng Pangulo na siya ang kauna-unahang pulitiko na naging maboka laban sa simbahang Katolika.

Biro ng Pangulo, nakalikom siya ng maraming boto dahil sa pang-iinsulto niya sa mga obispo.

Napansin din ng Pangulo na hindi na bumubuwelta ang simbahan sa mga banat niya sa kanila.

Facebook Comments