PRRD, nais magpatupad ng price cap sa protective face masks

31

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpataw ng cap o limitasyon sa halaga ng protective face masks.

Ito’y sa gitna na rin ng biglaang pagsipa ng presyo nito kasabay ng tumataas na demand dulot ng ash fall mula sa pag-aalburuto ng bulkang taal.


Ayon kay Pangulong Duterte, kakausapin niya si Health Secretary Francisco Duque III kaugnay sa pagtatakda ng price limit para sa face masks lalo na sa n95 masks.

Bukod, ipag-uutos din niya sa militar at pulisya na mamahagi ng face masks sa publiko.

Nabatid mula sa higit 30 pisong halaga ng N95 masks ay biglang tumaas ito ng 200 piso.

Facebook Comments