PRRD, nakakuha ng ‘excellent’ na satisfaction rating – SWS survey

861

Muling nakakuha ng mataas na satisfaction rating si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa 4th quarter 2019 survey ng Social Weather Stations (SWS), 82% ang satisfied, habang 10% ang hindi – katumbas ito ng personal record high na net satisfaction score ng +72 o ‘excellent.’


Nananatiling ‘very good’ ang net satisfaction rating ng Pangulo sa balance Luzon, at Metro Manila na kapwa may +66.

Mataas na net satisfaction o ‘excellent’ sa Mindanao (+81) at Visayas (+79).

Maliban dito lumabas din sa survey na 52% ang nagsabing halos natupad ni Pangulong Duterte ang halos lahat ng ipinangako nito, habang 47% ang nagsabing kakaunti lang o walang natupad.

Isinagawa ang survey mula December 13 hanggang 16, 2019 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adult respondents.

Facebook Comments