PRRD, nakatakdang bumisita sa Bicol region na nasalanta ng bagyong Usman

103

Manila, Philippines – Personal na bibisitahn ni Panulong Rodrigo Duterte ang ilang lugar na nasalanta ng Bagyong Usman sa Bicol Region.

Ito ang inanunsiyo ni Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, nakatakdang bisitahin ni Pangulong Duterte ang mga biktima ng bagyo sa Camarines Sur kung saan ay bibigyan ng Pangulo ng tulong ang mga nasalanta.


Naniniwala naman ang Malacañang na sapat ang naging paghahanda ng mga Lokal na Pamahalaan sa paghagupit ng bagyo.

Matatandaan na ngayon ay nasa ilalim ng State of Calamity ang Camarines Norte at Albay at mayoon pang mga biktima ng bagyo ang nananatili sa ilang evacuation centers sa easter Visayas at MIMAROPA region.

Facebook Comments

From Advertisers