PRRD, naniniwalang napahinto ni Quiboloy ang lindol sa Mindanao

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na napahinto ng kanyang kaibigan na si Pastor Apollo Quiboloy ang isa sa mga lindol na tumama sa Mindanao nitong Oktubre.

Sa kanyang talumpati sa grand opening ng Acacia Hotel sa Davao City, hinihiling ni Pangulong Duterte na sana ay magkaroon din siya ng kapangyarihan katulad ng kay Quiboloy para pahintuin naman ang korapsyon.

Una nang sinabi ni Quiboloy na dapat siyang pasalamatan ng publiko dahil siya ang nagpahinto ng lindol.


Matatandaang niyanig ng magnitude 6.6 na lindol ang Mindanao nitong October 29, na sinundan naman ng magnitude 6.5 na lindol kung saan umabot sa 16 na katao ang nasawi.

Facebook Comments