PRRD, nilinaw na hindi Cabinet Rank ang posisyong ibinigay kay VP Robredo sa ICAD

349

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi Cabinet Position ang ibinigay niya kay Vice President Leni Robredo bilang Co-Chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.

Ayon sa Pangulo, hindi miyembro ng Gabinete si Robredo at hindi niya itinalaga ito bilang Cabinet Member.


Sinabi rin ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang Appointment ni Robredo bilang Anti-Illegal Drug Czar ay hindi Cabinet Level.

Una nang nagbabala si Pangulong Duterte na tatanggalin si Robredo sa ICAD kapag ibinahagi ang mga sensitibong impormasyon sa war on drugs.

Facebook Comments

From Advertisers