PRRD, patuloy pa ring magmo-motorsiklo

25

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy na rin siyang magmamaneho ng motorsiklo.

Ito ay kahit naaksidente siya noong Oktubre na nagdulot ng pagkaputol ng kanyang official trip sa Japan.


Sa isang panayam, sinabi ng Pangulo na kakaunti na lamang ang nararamdaman niyang sakit.

Dagdag pa ng Pangulo, mas nakakapagtrabaho siya ng maayos kapag siya ay nasa kaniyang Hometown na Davao City.

Una nang sinabi ng Pangulo na nagkakasakit na siya dahil matanda na siya, bagay na kinontra ng Malacañang.

Facebook Comments

From Advertisers