PRRD, pinagkakatiwalaan pa rin ng nakararaming Pinoy

90

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Malakanyang at ng Senado ang pananatili ng tiwala ng nakakaraming Pilipino sa liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nabatid na nakuha ni Pangulong Duterte ang pinakamataas na approval at trust rating sa lahat ng mga opisyal ng gobyerno sa huling bahagi ng 2018.

Sa survey ng Pulse Asia na isinagawa noong December 14 hanggang 21, nakapagtala ang pangulo ng 81% approval rating para sa buwan ng Disyembre na mas mataas ng 6% kumpara noong Setyembre.

Tumaas din sa 76% ng mga Pilipino ang nagtitiwala sa Pangulo kumpara sa 72% noong ikatlong bahagi ng 2018.

Samantala, nakakuha naman si Vice President Leni Robredo ng 62% na approval at 56% na trust rating habang si Senate President Tito Sotto III naman ay nakapagtala ng 76% na approval at 66% na trust rating.

Bumagsak naman sa 27% ang approval rating ni House Speaker Gloria Arroyo kung saan nasa 21% naman ang trust rating nito.

Facebook Comments