PRRD, pinangunahan ang pagpapailaw ng Malacañang Christmas Tree

50

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapailaw ng Christmas Tree sa Malacañang grounds kagabi.

Ang palace Christmas Tree ay may 40-talampakang taas, na may 18-talampakang dayametro.


Pinalamuti pa ito ng 1,393 na piraso ng Christmas Balls, 1,235 na Led Bulbs, at 1,235 na Piraso ng Ornamental White, Blue at Red Stars.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na magsilbi ang Christmas Tree na paalala sa lahat na patuloy tayong maging ‘liwanag’ sa buhay ng iba.

Inanunsyo rin ni Pangulong Duterte ang pagbibigay ng ₱60,000 na Christmas Bonus para sa mga empleyado ng Palasyo.

Facebook Comments

From Advertisers