PRRD, pinayuhang magbakasyon

610

Dapat din umanong magbakasyon si Pangulong Rodrigo Duterte para makapagpahinga.

Ito ang tugon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa tanong ng media kung ano pa ang mga kailangang paghusayin ng Pangulo matapos ang ikatlong taon ng kanyang termino.


Pero paglilinaw ni Panelo – maayos ang pangangatawan ng Pangulo at wala itong ibang nararamdaman kundi pagod.

Katunayan aniya, maging ang cabinet members ng Pangulo, nahihirapang makasabay sa work ethics nito.

Matatandaang inamin noon ni Pangulong Duterte na may ilan siyang karamdaman.

Pero nanindigan ang Malacañang na maayos ang kalusugan at hindi na kailangang maglabas pa ng medical bulletin ng Pangulo.

Facebook Comments

From Advertisers