PRRD, tinawag na “man-hater” ang mga kritiko niya

Tinawag na “man-haters” ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kritiko ng kanyang mga pahayag tungkol sa mga babae.

Inakusahan ng Pangulo ang mga ito ng “misandry” o may galit sa mga kalalakihan.

Giit pa ng Pangulo na walang masama na magbigay ng compliments sa mga kababaihan.


Dagdag pa ng Pangulo na ilan sa mga man-hater ay pangit at mabaho.

Dapat pa aniya magpasalamat ang mga babae kapag pinuri sila ng mga lalaki.

Matatandaang inuulan ng kritisismo ang Pangulo mula sa ilang sektor dahil sa kanyang rape jokes at misogynist remarks sa public events.

Facebook Comments