PRRD, tuloy ang trabaho kahit nasa Davao City

38

Iginiit ng Malacañang na tuloy pa rin ang trabaho ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit ito nasa kanilang bahay sa Davao City.

Bago ito, sinabi ng Palasyo na magpapahinga ang Pangulo sa loob ng tatlong araw ngunit binawi ito.


Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, dumalo muna ang Pangulo sa burol ng namayapang negosyanteng si John Gokongwei Jr. sa Heritage Park sa Taguig.

Aniya, tumanggi ang Pangulo sa mga payo ng kanyang mga kaibigan na magpahinga ng ilang araw.

Binigyang diin din ni Panelo na nasa maayos na kundisyon ang Pangulo.

Paglilinaw din ng Palasyo na walang kinalaman ang break ng Pangulo sa anumang Medical Condition.

Matatandaang pinayuhan ang Pangulo ng kanyang mga doktor na magpahinga at limitahan ang mga aktibidad matapos magtamo ng muscular spasm kasunod ng kanyang aksidente sa motorsiklo sa loob ng Malacañang Complex noong October 16.

Facebook Comments

From Advertisers