PRRD, wala pang napipili na susunod AFP Chief

37

Wala pang napipili si Pangulong Rodrigo Duterte na susunod na commanding General ng Armed Forces of the Philippines (AFP).


Ayon kay AFP Spokesperson, Marine Brig/Gen. Edgard Arevalo, nagpadala na ang Board of Generals ng kanilang shortlist ng mga kandidato kay Defense Sec. Delfin Lorenzana.

Kasama sa listahan ang tatlong 3-Star Generals, at dalawang 2-Star Generals.

Sinabi ni Arevalo na ang mga nasa listahan ay nagtataglay ng katangian gaya ng Integridad, Competence, Experience, Command, at Managerial Expertise para pangunahan ang Militar.

Ang Philippine Army ay kasalukuyang pinangungunahan ni Lt/Gen. Macairog Sabiniano Alberto, na pinili ni Pangulong Duterte nitong Oktubre.

Si Alberto ay magiging 56-anyos ngayong buwan, na Compulsary Retirement Age para sa mga sundalo.

Facebook Comments