PSA, iimbestigahan ang fake news na nagresulta sa pagdagsa ng mga tao sa PhilSys registration sa Bulacan

145

Iimbestigahan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagkalat ng maling impormasyon na nagdulot ng pagdagsa ng mga tao sa registration ng National ID System sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Nabatid na sinuspinde rin ang registration noong Miyerkules matapos dumugin din ng mga tao ang registration area sa isang mall, na paglabag sa physical distancing measures.


Ayon sa PSA, nakikipagtulungan na sila sa lokal na pamahalaan para sa imbestigasyon.

Sa ngayon, suspendido ang PhilSys registration.

Ang mga apektadong registrants ay makakatanggap ng mensahe mula sa PSA ukol sa suspensyon at sa muling pagbabalik ng registration.

Humingi ng paumanhin ang PSA sa abalang idinulot nito.



Facebook Comments