PSC, sang-ayon sa pagpapaliban ng 2020 Tokyo Olympics

29

Sang-ayon si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez sa pagpapaliban ng tokyo 2020 olympics dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Ramirez, bibigyan nila ng suporta ang lahat ng mga national athletes na haharap sa mga problema bunsod ng postponement.


Binigyang-diin din nito na mahalag pa rin ang kaligtasan at kalusugan ng mga atleta na numero unong prayoridad sa kasalukuyan.

Sa ngayon, apat na mga pilipinong atleta na ang kwalipikado sa summer games at ito ay sina nina Eumir Marcial at Irish Magno ng boxing, Ej Obiena ng pole vault, at Carlos Yulo ng gymnastics.

Facebook Comments