PSG, handang harapin ang kahihinatnan ng kanilang pagpapabakuna – Palasyo

47

Handa ang Presidential Security Group (PSG) na harapin ang kahihinatnan ng kanilang pagpapabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, alam ng PSG troopers ang banta sa pagtanggap ng hindi rehistradong bakuna.


Pero ginagawa lamang nila ito para maprotektahan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi rin ni Roque na tatanggapin ng PSG ang anumang parusa sa kanilang ginawa.

Iginiit din ni Roque na sobrang nagpapasalamat ang Pangulo sa ginawa ng PSG.

Patunay lamang ito na handang magpakamatay ang PSG para sa Pangulo at sa mga Pilipino.




Facebook Comments