PSG, mamamahagi ng tulong sa mga apektado ng lindol sa N. Cotabato

20

Magtutungo ang Presidential Security Group (PSG) sa Mindanao bukas para personal na mamahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng nakaraang lindol.

Target ng grupo ang North Cotabato na pinakalubhang apektado ng pagyanig.


Kabilang sa iaabot nilang ayuda ay pagkain, tubig at iba pang relief goods.

Kinuha ang tulong mula sa meal allowance na boluntaryong ibinigay ng mga sundalo, at ilang civilian employees ng PSG.

Matatandaang tatlong malalakas na lindol ang yumanig sa Mindanao, partikular sa Makilala, North Cotabato nitong Oktubre.

Hindi bababa sa 28 ang naitalang patay habang marami rin ang nasugatang indibidwal, at mga napinsalang imprastraktura sa iba’t ibang lugar.

Facebook Comments

From Advertisers