PSG naglatag ng kondisyon bago maunang maturukan si Pangulong Duterte ng ‘Sputnik V’

112

Payag ang Presidential Security Group (PSG) na unang matarakan ng bakuna galing Russia si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PSG Commander Colonel Jesus Durante, wala itong problema sa kanila basta aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) ang bakuna.


Ang PSG ang nanagangalaga at nagpoprotekta sa kalusugan at buhay ng Pangulo ng bansa sa lahat ng pagkakataon.

May nauna nang pahayag ang Palasyo na hindi naman basta-basta gagamitin sa mga Filipino ang bakuna galing Russia o kahit saan pa mang bansa hangga’t hindi dumadaan sa clinical trials at pagsusuri ng FDA.

Facebook Comments