PSG namahagi ng face mask sa Malakanyang compound

Kasunod ng banta ng pagkalat ng 2019 novel coronavirus.

Namamahagi ang city government of Manila ng mga face masks sa bawat barangay.

Katuwang ng Manila LGU, namahagi din ang Presidential Security Group (PSG) sa MalacaƱang Complex ng libreng mga face mask.


Kabilang sa mga nabigyan ng libreng face mask ay ang mga residente ng MalacaƱang Barangays (MALBAR) gayundin ang mga nagsisimba sa 2 simbahang nasa loob ng compound ng Malakanyang.

Ang dalawang simbahang ito ay ang National Shrine of St. Jude Thaddeus atĀ National Shrine of St. Michael and The Archangels.

Layon nitong maprotektahan mula sa posibleng pagkalat ng virus ang mga residente sa loob ng Malakanyang compound.

Nitong Biyernes matatandaang pinagsuot ng face mask ang lahat ng PSG na naka duty sa Malakanyang maging ang Museum & Palace Tour ay pansamantala na rin munang sinuspinde habang may banta ng nCoV.

Facebook Comments