PUBLIC APOLOGY NG VIRAL NA POSO ENFORCER SA LINGAYEN, KINONTRA NG NETIZENS

Kinontra ng netizens ang public apology ng isang miyembro ng POSO Lingayen na kinilalang si Henry Millar kaugnay sa nagawa nitong pagkakamali noong nakaraang June 12, 2021.
Paliwanag nito sa publiko, kasalukuyan itong nakaduty sa Solis St. at bumibili ng pagkain ang kanyang mag-ina ng biglang inatake ng highblood ang kanyang misis kaya’t agad niya itong itinakbo pauwi sa kanilang tahanan na kung saan nag-counter flow ito na isang paglabag sa batas trapiko.
Maraming netizens naman ang umalma sa kanyang pahayag , ang iba ay sinasabing gumagawa lamang ito ng dahilan para pagtakpan ang kanyang pagkakamali ang iba naman ay sinasabing kailangan niyang harapin ang parusa sa kanyang paglabag ang ilan naman ay sinasabing gawa gawa lamang ang dahilan dahil malapit lamang umano ang ospital sa kanilang lugar at hindi na kailangang mag counterflow.
Samantala, handa namang harapin ni Millar ang anumang disciplinary action na kakaharapin nito bilang kapalit sa kanyang nagawang paglabag.

Facebook Comments