Public Attorneys Office Chief Persida Acosta, pumalag sa mga nagsasabing corrupt siya  

Binuweltahan ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta ang mga nagsasabing tiwali siya.

Ito ay batay sa reklamo ng mga empleyado ng PAO na hindi pumirma at hindi nagpakilala sa isang manifesto.

Giit ni Acosta, pawang paninira at basura ang mga reklamo laban sa kanya dahil walang lumantad na complainant at walang ebidensya.


Sinagot din niya ang mga naninisi sa kanya sa paglobo ng kaso ng Dengue at Tigdas dahil sa takot na idinulot ng Dengvaxia.

Kinuwestyon naman si PAO Forensics Team Chief, Dr. Erwin Erfe kung mayroon ba talagang outbreak ng Dengue o baka paraan lamang ito para muling buhayin ang Dengvaxia.

Pinag-aaralan na nina Acosta at Erfe ang mga susunod nilang hakbang laban sa mga nag-aakusa sa kanila.

Facebook Comments