PUBLIC CONSULTATION KABILANG ANG MGA APEKTADONG LAND OWNERS SA IPAPATAYONG BAGONG WAWA BRIDGE SA BAYAMBANG, ISINAGAWA

Dinaluhan ng mga residente ng Brgy. San Vicente, Bayambang ang public consultation bago simulan ang konstruksyon ng bagong Wawa Bridge ngayong taon.
Tinalakay sa pagtitipon ang mga epektong maidudulot ng konstruksyon na maaring magtagal ng ilang buwan partikular sa kompensasyon ng mga land owners na madadamay sa proyekto.
Tiniyak naman ng Department of Public Works and Highways na idadaan sa tamang proseso at ibibigay ang nararapat sa mga may-ari ng lupa.

Magtatayo ang tanggapan ng pansamantalang tulay na may limitadong kapasidad sa mga sasakyan bago simulan at habang nagpapatuloy ang konstruksyon ng tulay.
Ngayong Marso nakatakdang isagawa ang groundbreaking na hudyat ng pasisimula ng konstruksyon ng bagong Wawa Bridge.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments