Public consultation sa Indigenous communities sa Quezon kaugnay ng Kaliwa dam, inaasahang matatapos sa susunod na buwan

Inaasahang matatapos sa susunod na buwan ang konsultasyon ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa mga indigenous communities sa Quezon Province.

Ito ay para sa konstruksyon ng Kaliwa Dam.

Ayon sa MWSS, makukumpleto na nito ang assemblies nito sa tulong ng National Commission of Indigenous Peoples (NCIP) para sa anim na cluster ng IP communities sa lalawigan.


Ang dam ay magiging bagong mapagkukunan ng tubig ng dalawang water concessionaires ng MWSS at mababawasan ang pagkakadepende nito sa Angat Dam.

Facebook Comments