Public gatherings sa salubong sa Bagong taon, bawal; Fireworks display, ire-regulate – Metro Manila Council

188

Mahigpit na ipagbabawal ang pagsasagawa ng street parties at iba pang public gatherings sa National Capital Region (NCR) sa salubong sa Bagong Taon sa harap pa rin ng banta ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Metro Manila Council Chairperson, Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, kailangan pa ring mapanatili ang social distancing sa New Year’s celebrations.

Dagdag pa ni Olivarez, ire-regulate din ang fireworks displays.


Sa datos ng Department of Health (DOH), umabot lamang sa 164 ang nasugatan ng paputok sa salubong ng taong 2020 kumapara sa average na 403 mula 2014 hanggang 2018 at 251 noong 2019.

Facebook Comments