PUBLIC HEARING SA PAGPAPATAYO NG SOLAR PROJECT SA LABRADOR, ISINAGAWA

Tinipon ng lokal na pamahalaan ng Labrador ang mga stakeholders at residente ng Sitio Kadampat Brgy. Bolo, Labrador sa isinagawang public hearing ukol sa iminumungkahing pagpapatayo ng solar power project sa lugar.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga hinaing at opinyon ng mga residente bilang unang lubos na maaapektuhan sakaling magka-aberya ang naturang proyekto.

Tiniyak naman ang solar company ng ‘no to minimal’ pollution sa lugar sakaling ma-ipatayo ang solar power project na maaari pang maging tourist spot sa bayan at magbibigay ng dagdag kabuhayan sa mga residente.

Iminungkahi naman ng lokal na pamahalaan na magbigay ng contact ang kompanya sa mga residente upang mabilis na makipag-ugnayan sakaling may problema sa proyekto.

Samantala, matapos ang public hearing ay sunod na magkakaroon ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng LGU,barangay council at ng kompanya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments