Public viewing para kay dating National Security Adviser Roilo Golez, isasagawa

28

Taguig City – Nakatakdang buksan ngayong araw sa publiko ang burol ng yumaong dating national security adviser at dating Parañaque Representative Roilo Golez.

Alas 3 mamayang hapon bubuksan ang burol ni Golez na nasa Heritage Memorial Park sa Taguig City.

Kahapon, nakitang dumalaw sina Senate President Tito Sotto, Senate Minority Leader Fraklin Drilon, Senador Gringo Honasan at si dating Executive Secretary Eduardo Ermita.

Isasagawa ang huling misa at internment ng dating security adviser sa Sabado, June 16.

Facebook Comments