Publiko at media, hindi na makaka-access sa SALN ng mga opisyal at kawani ng gobyerno batay sa inilabas na Ombudsman circular

138

Hindi na maaaring basta-bastang makakuha ang mga ordinaryong mamamayan at mga taga-media ng kopya ng Statement of Assets and Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga public officials.


Batay sa circular ng Office of the Ombudsman, dapat ay may authorization letter ang official na nagtatalaga sa kaniyang representative na siyang papayagang maka-access sa SALN.

Dapat din na may utos ng korte o government investigators ang maaaring kumuha ng SALN.

Maging ang mga government agencies ay hindi pinapayagang kumuha ng SALN maliban kung may pahintulot ng public officials.

Kung magpupumilit ang humihingi ng SALN, dapat itong maghain ng reklamo na may kakulangang ebidensya.

Kung gusto ng media na makakuha ng kopya, dapat itong magpaalam sa concerned officials.

Facebook Comments