Publiko, binalaan ng DOH dahil sa kumakalat na online scams na nag-eendorso ng gamot para sa hypertension

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa online scams na nag-eendorso ng mga gamot para sa hypertension.

Ayon sa Department of Health (DOH), walang patunay na lunas sa karamdaman ang naturang mga produkto at hindi rin aniya mag-eendorso ang DOH ng komersyal na produkto.

Dagdag pa ng ahensya, hindi totoo ang  mga website o page dahil ginagaya lamang nito ang DOH at mga kumakatawan dito upang magbenta ng mga produktong panlunas sa hypertension.

Nagpaalala rin ang Health Department na mag-ingat sa mga mapanlinlang na marketing strategy na gumagamit ng pekeng endorsement mula sa mga eksperto.

Nai-eport na rin ng DOH sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pekeng account at gumagawa na rin ng hakbang para mapanagot sa batas ang mga nasa likod nito.

Facebook Comments