
Nililinaw ng Lokal na Pamahalaan ng Malabon na ang kumakalat na parking ticket ay hindi official at hindi nila inisyu sa alinmang awtorisadong tanggapan ng City Hall.
Kaugnay nito, mahigpit na pinapaalalahanan ang lahat na maging mapagmatyag laban sa mga indibidwal o grupong nagpapanggap na kinatawan ng pamahalaang lungsod, lalo na ang mga humihingi ng bayad o koleksyon.
Paalala pa ng Malabon LGU sa publiko, siguraduhing beripikado ang anumang transaksyon o dokumento sa tamang tanggapan ng lungsod.
Huwag agad magbigay ng pera o personal na impormasyon sa mga hindi awtorisadong tao kung saam ang mga opisyal na anunsyo, ordinansa, at koleksyon ay ipinapahayag sa mga lehitimo at beripikadong opisyal na social media account ng Malabon
Paalala pa sa publiko, kung may makita o makasalamuha na kahina-hinalang tao o aktibidad na ginagamit ang pangalan ng Malabon LGU, agad itong i-report sa mga pulos o sa opisyal na communication channels ng lungsod.










