Publiko dapat magtiwala sa vaccination – Dizon

20

Umaasa si National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon na magtitiwala na ang publiko sa mga bakuna kasabay ng paglulunsad ng immunization program laban sa COVID-19.

Isa si Dizon sa mga unang nagpabakuna laban sa sakit gamit ang Sinovac vaccines mula China.


Ayon kay Dizon, napakahalaga ng ginagawa ng pamahalaan dahil simula na ito ng pagtatapos ng problema sa pandemya.

Iginiit ni Dizon na dapat gawin ng publiko ang kanilang parte at ito ay ang pagpapabakuna.

Pagtitiyak ni Dizon na ligtas, epektibo at libre ang bakunang ipinamamahagi ng gobyerno.

Facebook Comments