Publiko, dapat nang i-assume na mayroong Delta variant sa paligid – Año

33

Hinimok ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang publiko na itaas ang kanilang pag-iingat sa harap ng tumataas na bilang ng Delta variant cases sa bansa.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, hindi na dapat ipagkaila ng publiko ang katotohanang pumasok na ang Delta variant sa bansa.


Punto pa ni Año, dapat nang magsagawa ng agarang aksyon partikular ang mabilis na contact tracing at testing.

Pero sa kabilang banda, iginiit ng kalihim na kailangan ding ikonsidera ang ‘economic factor’ lalo na at maraming tao ang nagugutom.

Facebook Comments