Publiko, dapat pa ring sundin ang health protocols para hindi magaya ang Pilipinas sa India – Malacañang

Nagpaalala ang Malacañang sa publiko na sundin ang COVID-19 health protocols kung ayaw nilang matulad ang Pilipinas sa nangyayaring case surge sa India.

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos ipasara ng Caloocan City Government ang isang resort dahil sa paglabag sa mass gatherings.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagamat nauunawaan nila na maraming tao ang gustong mapawi ang init ng panahon, pero kailangan pa rin nilang sundin ang health protocols.


Dapat aniya iwasan ang anumang pagtitipon para hindi mangyari sa Pilipinas ang sinapit ng India.

Samantala, pinuri ng Palasyo ang agarang aksyon ng Caloocal City Government.

Facebook Comments