Publiko, hindi dapat magpakampante laban sa COVID-19 – DOH

55

Iginiit ng Department of Health (DOH) na hindi dapat magpakampante dahil maaari pa ring bumalik ang COVID-19.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, magsilbing aral ang biglaang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Cebu sa Hunyo at Hulyo.


Dito naglatag ang National Task Force ng mga plano, sistema, mekanismo at mga polisiya kabilang ang prevention, early detection, isolation, treatment, reintegration strategy para malabanan ang pandemya.

Umaasa si Duque na ang Local Government Unit (LGU) ay dapat matuto sa naging karanasan ng Cebu.

Facebook Comments