Publiko, hindi kailangang mag-panic sa COVID variant – DOH

112

Walang kailangang i-panic ang publiko kahit pumasok sa bansa ang UK COVID-19 variant sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mataas lamang ang transmissibility ng bagong variant pero hindi ito nagdudulot ng matinding sakit.


Mahalagang sundin lamang ng publiko ang minimum health standards dahil ito ang epektibong paraan para maiwasang mahawaan ng sakit.

Pero sinabi ni Vergeire na ang pagkalat ng COVID-19 variant ay maaaring mauwi sa mataas na kaso na magreresulta ng mataas na hospitalization.

Facebook Comments