Binigyang diin ng health authorities ang pagbibigay kamalayan sa publiko ukol sa sakit na glaucoma ngayong World Glaucoma Week.
Sa Kapihan sa Ilocos ng PIA, inihayag ng mga health experts partikular ang mga ophthalmologists sa ilalim ng Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) importansya ng pagkakaroon ng impormasyon sa sakit na ito.
Ayon kay Dr. Jacob Mangahas, mahalagang magkaroon ng early detection sa sakit na ito dahil wala umano itong lunas.
Aniya, dapat umanong maiwasan ito habang bata pa upang hindi humantong sa tuluyang pagkabulag.
Ayon naman kay Dr. Ian Batcagan, ang sakit na ito ay madalas tumatama sa mga may edad 50 pataas, lalo na sa mga itinuturing na high risk tulad ng mga may sakit na hypertension at diabetes.
Hinikayat naan ng awtoridad ang publiko na komunsulta upang maagang maprotektahan ang mata.
Ang World Glaucoma Week ay sineselebra ngayong March 9-15. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨