Publiko, hinikayat na patuloy na magsilbing inspirasyon ang kabayanihan ni Andres Bonifacio sa pagharap sa pandemya

43

Nagpahayag ng pakikiisa si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa sambayanang Pilipino sa paggunita ngayong araw ng ika-158 na kapanganakan ng bayaning si Andres Bonifacio.

Ayon sa kalihim, hindi naging hadlang kay Bonifacio ang kanyang mababang estado sa buhay para mangarap at pagsikapan na maging malaya ang Pilipinas mula sa mga Kastila.

Ipinakita raw ni Bonifacio ang kahalagahan ng pagganap ng tungkulin ng bawat indibidwal para sama-samang magtrabaho sa iisang layunin.


Patuloy aniyang magsilbing inspirasyon ang ipinamalas ni Bonifacio na pagmamahal sa bayan sa pagharap sa mga kasalukuyang hamon ng bansa.

Nanawagan si Lorenzana sa publiko na patuloy na pangalagaan ang tinatamasang kalayaan ng bansa at ihandog ang sarili sa paglilingkod sa bayan at sa kapwa.

Facebook Comments