Publiko, hinikayat ng AVSEGROUP na maging alerto

323

Manila, Philippines – Lalo pang pinaigting ng PNP-Aviation Security Group ang seguridad hindi lamang sa NAIA terminals kundi sa lahat ng paliparan sa buong bansa

Sa harap pa rin ito ng panggugulo ng Maute Group sa Marawi City.


Bukod sa pag-iikot ng mga pulis sa loob at labas ng mga paliparan, mahigpit din ang checkpoints sa entrance ng airports.

Hinihimok naman ng PNP AVSEGROUP ang publiko na maging alerto at agad na ireport sa mga otoridad ang mga kahina-hinala sa kanilang paligid.
DZXL558, Joyce Adra

Facebook Comments