Publiko, hinikayat ng Palasyo na makipag-ugnayan muna sa LGUs bago magtungo sa alinmang vaccination site

45

Umaapela ang Malacañang sa publiko na makipag-ugnayan sa kanilang mga lokal na pamahalaan kaugnay sa roll out ng COVID-19 vaccination sa kanilang mga lugar.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque kasunod ng pagdagsa ng mga tao sa isang mall sa Parañaque kahapon para magpabakuna.


Ayon sa kalihim, batid niya na na-excite ang publiko sa COVID-19 vaccine ng Pfizer.

Gayunpaman, kailangan aniyang mahigpit na sundin ng lahat ang schedule na itinatakda ng mga Local Government Units (LGUs) kung sinong grupo o indibidwal lamang ang babakunahan sa partikular na petsa.

Paalala ng kalihim, kailangang maiwasan na maging super spreader ng virus ang mga vaccination facilities na nakalaan para maisalba ang buhay ng mga Pilipino laban sa COVID-19.

Facebook Comments