Publiko, inihirit sa mga bagong halal na kandidatong gawan ng paraan para tuloy-tuloy na ang P20 na bigas para sa lahat

Nakiusap na rin ang ilan sa ating mga kababayan sa mga bagong halal at uupo ngayon sa Senado at Kongreso na ito ang dapat nilang pagtuunan nang pansin para lahat ay puwede nang makabili ng P20 na bigas.

Ayon kay Juday Poryo, tindera ng mais sa Pasay, halos lahat naman ay nahihirapan ngayon at kumakayod para may maipangtustos sa kanilang pamilya.

Sana raw ay hindi na piliin pa at lahat ay maaaring makabili ng murang bigas.

Una nang sinabi ng Department of Agriculture (DA) na magtutuloy-tuloy ang bentahan ng P20 sa kada kilo ng bigas sa ilang lugar sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Mindoro at Rizal.

Inaasahan ng DA na aabot sa dalawang milyong pamilya o katumbas ng 10 milyong Pilipino ang makikinabang sa programang ito hanggang Disyembre, at target pang palalawakin hanggang 2028.

Facebook Comments