Publiko, pinayuhang ligtas na ipagdiwang ang Valentine’s Day

45

Pinayuhan ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go ang mga Pilipino na gawing ligtas ang selebrasyon ng Valentine’s Day.

Diin ni Go, dapat siguraduhin na protektado laban sa COVID-19 ang ating mga mahal sa buhay.


Ayon kay Go, makakamit ito sa pamamagitan ng ibayong pag-iingat at mahigpit na pagsunod sa health protocols.

Ipinaliwanag ni Go na talagang delikado pa ang panahon habang hinihintay natin ang binibiling COVID-19 vaccine ng gobyerno.

Para naman sa mga walang date sa araw ng mga puso ay sinabi ni Go na nandyan sila ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagmamahal sa ating lahat.

Facebook Comments