Puganteng Chinese Nationals na may kaso, nakakapasok din sa bansa

18

Sa halagang 50,000 pesos hanggang 200,000 pesos at minsan umaabot pa ng milyong piso ay malayang nakakapasok sa bansa pati ang mga chinese national na pugante o may mga kaso.

Ito ang ibiniunyag ni Bureau of Immigration (BI) officer 1 Allison “Alex” Chiong sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children and Family Relations na pinamumunuan ni Senator Risa Hontiveros.


Ayon kay Chiong, bahagi pa rin ito ng pastillas modus kung saan humihingi ng suhol ang mga immigration offciers sa mga Chinese Nationals para VIP ang treatment nila pagdating sa paliparan at ang mga dokumento ay lusot kahit may problema.

Sabi ni Hontiveros, nakakashock ang mga rebelasyon ni chiong na pati ang mga blacklisted na Chinese ay malayang nakapapasok sa bansa basta at magsusuhol sa BI.

Diin ni Hontiveros, patunay ito kung bakit lumalaganap ang prostitusyon, trafficking at iba pang ilegal na aktibidad na pawang mga Chinese umano ang nasa likod.

Facebook Comments