Pulis, arestado dahil sa pangingikil

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang isang pulis sa isinasangkot sa extortion o pangingikil.

Ayon kay IMEG Director Police BGen. Warren de Leon, naaresto si Corporal Michelle Ann Repolles sa mismong Makati Central Police Station kahapon.

Inirereklamo si Repolles dahil sa pangongolekta ng P10,000 hanggang P30,000 sa mga pulis na nais magpalipat ng assignment.


Mayroon daw kasing koneksyon ang suspek sa Directorate for Personel and Records Management na nagpoproseso ng reassignment orders.

Kasunod ng impormasyong ito, agad na nagkasa ang IMEG ng entrapment operation sa tulong na rin ng Makati Police dahilan para masakote ang suspek.

Nasa kustodiya na ito ngayon ng PNP-IMEG at nakatakdang ipagharap ng kasong extortion.

Facebook Comments