Pulis at dalawang sibilyan sugatan sa pananambang ng NPA sa Samar

174

Sugatan ang isang pulis at dalawang sibilyan matapos tambangan ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Tagbayaon, Jiabong, Samar.

Kinilala ang sugatang pulis na si Patrolman Ace Denver Aharuddin, at mga sibilyan na sina Reynaldo Calipes at Elma Geli.

Sa ulat ng Catbalogan PNP, sakay ng PNP patrol car ang mga biktima patungo sa Regional Trial Court branch 28 para ihatid ang isang Dino Dela Peña na may kasong arson nang biglang sumabog ang isang Improvised Explosive Device (IED) kasunod ang pamamaril ng mga NPA.

Matapos ang pananambang tumakas agad ang mga NPA habang isinugod agad sa ospital ang mga sugatang biktima.

Rumesponde naman agad sa lugar ang tropa ng miltar.

Facebook Comments