Pulis at militanteng grupo, nagkagiriian sa harapan ng US embassy kagabi

Manila, Philippines – Bahagyang nagkagirian ang mga pulis at militanteng grupo sa harapan ng U.S. Embassy kagabi.

Nagpumilit kasing lumapit sa embahada ang mga raliyista kung saan pinagtutulak nila ang mga nakabantay na pulis.

Pinagbabato pa ng mga ito ang mga pulis at hinampas ng hawak na bandila.


Dahil dito, napilitan din ang mga pulis na itulak palayo sa embahada ang mga raliyista.

Wala namang nasugatan sa insidente.

Nabatid na umabot ng halos isang oras ang programa kahapon ng mga militanteng grupo tungkol sa martial law at iba pang isyu bago ang sona ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments