Pulis at sibilyan, patay habang apat na pulis pa sugatan sa naganap na pagsabog sa Maguindanao

660

Nasawi ang isang pulis at isang sibilyan habang apat na pulis pa ang sugatan sa nangyaring pagsabog sa Barangay Poblacion, Mother Shariff Aguak, Maguindanao.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, nasa kanilang mga duty ang mga pulis nang mangyari ang pagsabog dahilan ng pagkamatay ng isang pulis na kinilalang si Police Master Sergeant Antonio Balasa at isang sibilyan na kinilala sa pangalang “Bobby”.


Sugatan naman ang apat pang pulis dahil sa pagsabog na kinilalang sina Police officers, PSSg. Larry Amoran, PSSg. Guerero Domingo, PCpl. Guia Mangrag at PCpl. Clyde Peria.

Ginagamot sila ngayon sa Maguindanao Provincial Hospital at Cotobato Regional Medical Center.

Kinondena naman ni PNP Chief PGen. Archie Gamboa ang ginawang pag-atake na ikinasawi at ikinasugat ng kanyang mga tauhan.

Mahigpit naman ang bilin ni Gamboa sa lahat ng mga pulis na manatiling alerto at mapagmatyag laban sa mga terorista sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments