Pulis, binugbog ng dalawang security guard sa Taguig

100

Manila, Philippines – Binugbog ng dalawang security guard ang isang pulis matapos umanong magkainitan ng dahil lamang sa paghinto ng sasakyan sa harap ng isang gate sa Western Bicutan, Taguig.

Sa kuha ng CCTV, makikitang tumigil sa harap ng TESDA gate ang sasakyang ni Po3 Lorenzo Catarata dahil sa trapik.

Dito na siya sinita ng security guard na si Salvador Gregorio at pinapaatras.

Sa salaysay ni PO3 Catarata, minura diumano siya ni Gregorio kahit na nagpakilala siyang pulis.

Matapos nito, makikitang tatapikin ni Gregorio ang pintuan ng sasakyan ni Catarata at dumating pa ang pang sekyu na si Marjon Gallenero.

Nang lumabas ng sasakyan ang pulis ay dito na siya pinagtulungan ng mga gwarda.

Bukod dito, tinutukan pa umano si PO3 Catarata ng baril ni Gregorio.

Depensa ni Gregorio – sinita niya si Catarata dahil bawal harangan ang gate at aminado siyang napikon siya sa pulis.

Hindi rin aniyang nagpakilalang pulis si Po3 Catarata.

Nabawi sa mga gwardya ang service firearm na kanilang ipinutok at nahaharap sa kasong physical injury at grave threat.
Nation

Facebook Comments